ILANG KATAO SUGATAN SA MAGKAHIWALAY NA AKSIDENTE SA KALSADA SA PANGASINAN

Dalawa ang sugatan sa magkahiwalay na aksidente sa kalsada sa Alcala at Anda, Pangasinan kahapon na parehong kinasangkutan ng mga motorsiklo.

Sa Alcala, nagtamo ng pinsala ang dalawang drayber ng motorsiklo, isang minamaneho ng menor de edad at isang minamaneho ng 24-anyos na lalaki matapos umanong aksidenteng magkabanggaan. Ayon sa tala, nagsignal papaliko ang 24-anyos na lalaki nang aksidenteng mabangga ito sa likuran.

Dahil dito, parehong natumba sa sementadong kalsada ang mga biktima kung saan nagtamo ng minor injury ang 24-anyos, habang nagkaroon naman ng sugat sa ulo ang isa pang drayber kung saan dinala sila agad sa ospital para sa atensiyong medikal.

Samantala, sa Anda naman, sugatan din ang isang 68-anyos na lalaki matapos mabangga ng isang ambulansyang utility vehicle habang siya umano ay lumiliko pakaliwa. Ayon sa tala, ang driver ng ambulansya at dalawang sakay nito ay hindi nasaktan, ngunit kinailangan namang dalhin sa ospital ang matandang biktima.

Parehong nagkaroon ng pinsala ang mga sasakyan sa dalawang insidente at nasa kustodiya ng mga pulis para sa tamang disposisyon.

Facebook Comments