Cauayan City, Isabela- Matagumpay na nakapagsanay ang ilang mga kawani ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) – Isabela kaugnay sa Humanitarian Assistance and Disaster Response (HADR) Preparedness.
Pinangunahan nina Rescue and Planning Division Chief Mark Oliver Alimuc at Operations and Warning Deputy Jimmy Mar Gaffud ng PDRRMO Isabela ang training sa tulong ng Tactical Operations Group (TOG) 2 sa Cauayan City, Isabela.
Ang Practical Exercise ay isinagawa sa Headquarters ng TOG 2 sa Lungsod ng Cauayan habang ang pagsasanay sa pamamagitan ng Webinar ay isinasagawa sa Tactical Operation Wing Northern Luzon (TOWNOL) sa Clark Air Base, Mabalacat, Pampanga.
Ito ay bilang pagpapalakas sa bawat opisina ng PDRRM at mga Local Government Units (LGUs) sa Hilagang Luzon pagdating sa air at ground operation at para magkaroon ang mga ito ng sapat na kaalaman at kahusayan sa pagrerescue gamit ang sasakyang panghimpapawid lalo na kung sakaling may emergency at medical evacuation.