Dinagsa ng publiko ang ilang kilalang pasyalan sa Metro Manila nitong unang linggo ng pagbaba sa Alert Level 2 ng buong rehiyon.
Kabilang sa mga ito ang Quezon City Memorial Circle na pinuntahan ng mga kabataan upang mag-exercise o mag-ehersisyo kasama ang kani-kanilang mga guardian.
Puno na rin kahapon ng mga deboto ang Plaza Miranda kung saan marami na ring mga bata ang nagsisimba.
Ang makasaysayang Intramuros ay dinagsa rin ng mga pami-pamilya kasama ang mga bata kung saan nabuhay na ang mga parke at marami na rin ang sumasakay sa mga kalesa.
Paliwanag ng Department of Tourism (DOT), wala nang age restriction ang pagtungo sa mga tourist destination at makakatiyak din ang mga namamasyal dahil nabakunahan na ang lahat ng nagtatrabaho sa tourism industry.