Ilang klase at flights, suspendido ngayong araw dahil sa walang tigil na pag-ulan

Manila, Philippines – Suspendido na ng ilang klase ngayong araw dahil sa walang tigil na pag-ulan.

Wala nang pasok sa pang-hapon na klase sa lahat ng antas, pribado o pang-publikong paaralan sa Muntinlupa City, Cordona, Rizal at sa buong lalawigan ng Laguna.

Habang kanselado naman ang klase mula pre-school hanggang senior high school sa buong lalawigan ng Cavite at Tanay sa Rizal.


Samantala, kanselado na ang ilang flights sa Ninoy Aquino International Airport.

Batay sa abiso ng Manila International Airport Authority – kanselado ang Cebu Pacific Flights 5J-647 at 5J-648 Manila papuntang Puerto Princesa at pabalik ng Manila.

Habang ang flights 5J-325 at 5J-326 Manila papuntang Legazpi at pabalik ng Manila ay kinansela na rin.

Maging ang biyahe ng Pasig River Ferry System ay sinuspende na rin ngayong araw.

Facebook Comments