Ilang Klase Sa Metro Manila, Sinuspinde Dahil Sa Epekto Ng Transport Hike

18

Ilang klase sa Metro Manila ang sinuspinde kanina dahil sa epekto ng transport strike ng grupong Stop and Go Coalition. Kabilang rito ang University of the Philippines (UP), De La Salle University sa Taft, Makati at BGC gayundin ang FEU-Manila, UST, Adamson University, National University-Manila at St. Scholastica. Sinuspinde rin ang klase sa lahat ng antas sa Malabon city gayundin sa lungsod ng Maynila. Hanggang alas 7:00 mamayang gabi tatagal ang tigil-pasada ng nasabing transport group.

Facebook Comments