Ilang kompanya ng langis magpapatupad ng oil price adjustment bukas

Muling magpapatupad ng pagtaas sa presyo ng mga produktong petrolyo ang ilang kompanya ng langis na magiging epektibo bandang alas-6:00 ng umaga bukas.

Batay sa advisory ng Phoenix Petroleum Philippines, may dagdag na P1.15 sa kada litro ng kanilang gasolina habang may bawas na P0.35 sa kada litro ng diesel.

Magtataas naman ang Caltex ng P1.15 sa kada litro ng platinum at silver gasoline habang magbabawas ito ng P0.35 sa kada litro ng diesel gayundin ng P0.30 sa kada litro ng kerosene.


Magpapatupad naman ang Petron ng dagdag na P1.15 sa kada litro ng gasolina habang may bawas na P0.35 sa kada litro ng diesel at P0.30 sa kada litro ng kerosene.

Facebook Comments