Magpapatupad ng bawas presyo ang ilan pang kompanya ng langis sa kanilang mga produkto.
Ayon sa SeaOil at Petro Gazz, P0.35 ang kanilang ibabawas sa kada litro ng diesel, P0.20 na bawas sa kada litro ng kerosene at P0.65 sa kada litro ng gasolina simula alas-6 ngayong umaga.
Nasa P0.60 naman ang itatapyas ng Shell sa kada litro ng gasolina, P0.35 sa diesel at P0.20 sa kerosene.
Epektibo ang bagong presyo ng Shell simula alas-6 ng umaga ng Martes, Pebrero 5.
Nauna nang magpatupad noong Sabado ang Phoenix Petroleum ng P0.65 bawas sa kada litro ng gasolina at P0.35 sa kada litro ng diesel.
Facebook Comments