Ilang kompanya ng langis, mapapatupad ng bawas-presyo sa produktong petrolyo bukas

Nakatakdang ipatupad ng ilang kompanya ng langis ang bawas-presyo sa produktong petrolyo, bukas, Oktubre 25.

Nasa P0.35 ang itatapyas sa presyo ng kada litro ng gasolina, habang P1.10 sa kada litro ng diesel, at P0.45 sa kada litro ng kerosene.

Ipapatupad ng Pilipinas Shell, Seaoil, Jetti Petroleum, at Petro Gazz ang rollback epektibo bukas ng alas-6:00 ng umaga, habang ang Caltex at Cleanfuel naman ay mamayang alas-12:00 ng hatinggabi.


Ito ang unang rollback matapos ang dalawang sunod na linggong oil price hike.

Pero inaasahang hindi na muna ito masusundan dahil sa plano ng Organization of the Petroleum Exporting Countries (OPEC) na muling tapyasan ang produksiyon ng langis nang isang milyong bariles ngayong linggo.

Facebook Comments