Ilang kompanya ng langis, may dagdag-presyo sa kanilang produkto

Nag-abiso na rin ang ilang kompaya ng langis ng taas-presyo sa kanilang produktong petrolyo.

Batay sa Caltex, Seaoil, PTT Philippines at Unioil, magpapatupad sila ng P3.40 taas presyo sa kada litro ng gasolina habang P8.65 naman sa kada litro ng diesel.

Dagdag na P9.40 naman ang itaas sa kada litro ng kerosene ng Seaoil at Caltex.


Epektibo ang taas-presyo ng Caltex mamayang alas-12:01 ng hatinggabi habang ang Seaoil, PTT Philippines at Unioil ay bukas ng alas-6:00 ng umaga.

Nauna nang nag-anunsyo ang Petrogazz, Shell Philippines at Cleanfuel ng kaparehong taas-presyo sa produktong petrolyo.

Facebook Comments