Ilang Kongresista at Senador, business as usual pa rin kahit may bagyong Tisoy

Tuloy pa rin ang ilang mga Kongresista at Senador sa kanilang trabaho kahit pa nakataas ang signal warning sa bansa dahil sa bagyong Tisoy.

Sa katunayan ay business as usual pa rin dahil itinuloy nila ang kanilang pulong sa pagitan ng Senate at House Contingents para sa round 2 ng Bicameral Conference Committee para maaprubahan agad ang 2020 budget bill sa lalong madaling panahon.

Ayon kay House Committee on Appropriations Chair Isidro Ungab, itinuloy nila ngayon ni Senate Committee on Finance Chair Sonny Angara ang meeting para sa budget sa kabila ng masamang panahon.


Ito ay para maplantsa na agad ng dalawang opisyal ang mga contentious figures at disagreeing provisions sa loob ng 2020 budget bill upang maaprubahan na ito bago ang Christmas break ng Kongreso sa December 18.

Wala namang ibinigay na detalye pa si Ungab kung saan ang venue ng meeting nila ngayong araw kahit may bagyo sa bansa.

Target naman na bago matapos ang taon ay mapapapirmahan na kay Pangulong Duterte ang  ₱4.1 Trillion 2020 national budget.

Facebook Comments