Pinagpapaliwanag ng ilang mga kongresista ang Commission on Elections (Comelec) sa nangyaring pagpalya ng transparency server ng Commission on Elections.
Giit ng Makabayan sa Kamara, hindi sapat ang naging paliwanag na nagkaroon ng technical problem sa computer service para maihatid ang partial unofficial votes sa media, watchdogs at iba pang grupo.
Ikinumpara pa na noong 2013 midterm election kung saan bago pa lang ang paggamit ng electronic voting at real-time na naita-transmit ang mga boto sa iba’t-ibang lugar sa bansa.
Dahil sa nangyari ay malaking kwestyon ang integridad ng halalan lalo at hindi ito maipaliwanag ng maayos ng Comelec.
Bukod dito, binigyan din ng Kongreso ng P10.18 billion ang Comelec kaya dapat na napaghandaan ang halalan.
Facebook Comments