Ilang kongresista, humingi ng tulong sa DFA para sa Pinoy seafarer na nahaharap sa kaso sa ibang bansa

Humingi ng saklolo sina Marino Partylist Reps. Sandro Gonzalez at Macnell Lusotan sa Department of Foreign Affairs (DFA) para tulungan ang mga Filipino seafarers na nahaharap sa kaso sa El Salvador.

Nagpadala ng liham ang dalawang kongresista kay Foreign Affairs Sec. Teodoro Locsin para himukin ang pamahalaan na bigyan ng kinakailangang tulong ang kababayang nahaharap sa criminal case sa nasabing bansa.

Umaasa ang mga mambabatas na pakikilusin ng DFA ang consular office ng bansa sa El Salvador para tulungan ang Pinoy seafarer na si Captain Eduardo Rodriguez.


Nabatid na naharap sa kaso si Rodriguez kasunod ng insidente noong Setyembre 13, 2021 kung saan 21 containers na karga ng sinasakyan nitong barkong MV Caribbean Express ang aksidenteng nahulog sa dagat habang sila ay padaong na sa pantalan ng Acajutla sa El Salvador.

Balak sanang umuwi ng pinoy seafarer sa bansa nitong Enero 26, 2022 pero hindi pinayagan ng mga port officials na makaalis ng barko.

Facebook Comments