Ilang kongresista, ipinatutuloy kay VP Leni ang adbokasiya kontra droga kahit sibak na sa ICAD

Manila, Philippines – Hinimok ng ilang mga kongresista si Vice President Leni Robredo na ituloy pa rin ang kanyang adbokasiya laban sa iligal na droga.

Ito ay sa kabila ng pagkakasibak sa kanya ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang co-chair ng Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs (ICAD).

Giit ng Gabriela at Kabataan Partylist sa Kamara, hindi dapat maging hadlang kay Robredo ang kanyang paglaban sa iligal na droga at pakikinig sa pamilya ng mga biktima ng extra judicial killings o EJK.


Hinikayat din ng mga ito ang Bise Presidente na ipagpatuloy ang mga plano sa pamamagitan ng panawagan para sa pagbabago ng paraan sa paglaban sa iligal na droga at pagbabalik sa kalayaan at hustisya na ipinagkait ng Duterte administration.

Duda ang mga kongresista na ang pagkakasibak kay VP sa ICAD ay patunay na hindi seryoso ang gobyerno sa pagresolba sa ugat ng iligal na droga at maaaring may kinatatakutan ang pamahalaan na posible pang malaman ni Robredo tulad ng pagkakanlong at hindi pagpaparusa sa mga bigtime drug lords.

Facebook Comments