kinokondena ng Kabataan Partylist sa Kamara ang tuluyang pagbasura ng Korte Suprema sa mga petisyong inihain laban sa Anti-Terror Law.
Ikinadismaya ng grupo ang pinal na pagbasura sa mga apelang kumukwestyon sa “constitutionality” ng Anti-Terrorism Act of 2020 dahil sa kawalan ng sapat na mga isyu at argumento mula sa mga petitioner.
Ikinababahala ng Makabayan ang mas lalo pang pagpapaigting sa ginagawang red tagging at terrorist-labeling lalo pa’t sa mga nakalipas na buwan ay tumitindi ang mga paglabag sa karapatang pantao tulad sa Bloody Sunday massacre noong 2021 at New Bataan 5 massacre ngayong 2022.
Nangangamba rin ang ilang kongresista para sa kaligtasan ng mga petitioner na siya ring mga biktima ng mga pag-atake.
Hindi rin umano sapat ang pagpapawalang-bisa sa ilang mga probisyon ng batas at ang pagrebisa sa Terror Law ay hindi mangangahulugan na mawawala na ang pag-atake sa mga inosenteng sibilyan sa ngalan ng counterinsurgency.
Maaaring bumaba sa pwesto si Pangulong Rodrigo Duterte ngunit ang sigurado ay mananatili pa rin ang madugo at brutal na pamamahala nito hanggang sa hinaharap.