
Ilang kongresista na may kinalaman sa pagtalakay sa national budget ang ipapatawag din ng Independent Commission for Infrastructure (ICI).
Ayon kay ICI Executive Director Atty. Brian Hosaka, ang ipapatawag ng Komisyon ay ang mga kinatawan na nabanggit ni ex-Speaker Martin Romualdez sa pagdinig kanina kung saan may koneksyon ito sa maanomalyang flood control projects.
Tumanggi naman si Hosaka na pangalanan ang mga personalidad na ipapatawag nila sa mga susunod na pagdinig.
Kinumpirma rin ni Hosaka na muling haharap sa pagdinig ng ICI sa susunod na linggo si Romualdez.
Inihayag naman ni Hosaka na ipinauubaya na nila sa komisyon ang pagdedesisyon kung ano ang magiging liability ni Romualdez.
Facebook Comments









