Ilang kongresista, nababahala sa deklarasyon ng martial law sa Mindanao

Manila, Philippines – Nababahala ang ilang mga kongresista sa pagdedeklara ni Pangulong Duterte ng martial law sa Mindanao kasunod ng pag-atake ng Maute group sa Marawi City.

Ayon kay Magdalo Rep. Gary Alejano, hindi maiiwasang mag-alala sa idineklarang martial law dahil ang pag-atake ng teroristang grupo ay naka-confined o limitado lamang sa Lanao del Sur at hindi sa buong Mindanao.

Kung ang dahilan ng deklarasyon ng martial law maliban sa Marawi crisis ay dahil sa security problems sa Mindanao, hindi naman nakukuntento dito si Alejano dahil matagal nang problema ang seguridad sa rehiyon.


Nag-aalala si Alejano na posibleng may ibang dahilan pa sa pagdedeklara ng martial law.

Umaasa na lamang ang kongresista na hindi rin magtatagal ang martial law at magagawang makontrol ng gobyerno ang Maute group at ang iba pang banta ng terorismo sa Mindanao at sa buong bansa.

Hinimok ng mambabatas ang publiko na bantayan ang deklarasyon ng martial law para hindi ito maabuso.
DZXL558

Facebook Comments