Ilang kongresista, nagpahayag ng suporta sa extension ng martial law sa Mindanao

Mindanao – Ngayon pa lang ay may ilang mambabatas na ang nagpahayag ng suporta sakaling i-eextend ang martial law sa Mindanao.

Ang reaksyon ay kasunod ng pagpanig ng Korte Suprema sa constitutionality ng idineklarang martial law sa Mindanao.

Ayon kay ACTS-OFW PL Rep. John Bertiz, nakahanda siyang suportahan kung sakali mang hilingin ng pamahalaan na i-extend ang martial law.


Naniniwala si Bertiz na tama lamang na sa buong Mindanao ang martial law dahil kung sa Marawi City o sa Lanao del Sur lamang ay tiyak na makokompromiso ang kaligtasan ng ibang mga kalapit na probinsya.

Ganito rin ang sentimyento ni CIBAC PL Rep. Sherwin Tugna na handa silang sumuporta sa extension ng martial law kung may sapat na basehan na ipapakita ang Executive Department.

Facebook Comments