Ilang kongresista sa MAKABAYAN, boluntaryong ipinakita ang kopya ng kanilang 2019 SALN

485

Boluntaryong inilabas ng ilang mga kongresista mula sa MAKABAYAN ang kopya ng kanilang 2019 Statement of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN).

Ito ay kasunod na rin ng paglalabas ng mga senador ng kopya ng summary ng kanilang SALN kung saan pinakamayaman pa rin sa mga senador si Senator Cynthia Villar na may ₱3.8 billion total net worth.


Sa mga MAKABAYAN congressmen, si Bayan Muna Rep. Carlos Zarate ay may total net worth na ₱1.8 million habang sina Bayan Muna Reps. Ferdinand Gaite at Eufemia Cullamat ay may ₱3.7 million at ₱35,000 na net worth.

Si Kabataan Partylist Rep. Sarah Elago naman ay may ₱104,400 total net worth.

Sa ngayon ay wala pang opisyal na kopya ng summary ng 2019 SALN na inilalabas ang Mababang Kapulungan.

Facebook Comments