Ilang kongresista sa minorya, maghahain ng petisyon sa Korte Suprema para kwestiyunin ang extension ng batas militar

Manila, Philippines – Maghahain ng petisyon sa Korte Suprema ang ilang kongresista sa minorya para kwestiyunin ang limang buwang extension ng batas militar sa Mindanao.

Ayon kay Albay Rep. Edcel Lagman – walang sapat na basehan para i-extend pa ang martial law dahil hindi naman rebelyon kundi lawless violence ang nangyayari ngayon sa Marawi.

Sabi naman ni Akbayang Rep. Tom Villarin, may paglabag rin ang kongreso sa naging desisyon nitong paburan ang pagpapalawig ng martial law.


Malinaw naman kasi aniya na hanggang 60 araw lang na implementasyon ng batas militar ang pinapayagan sa ilalim ng konstitusyon.

Naniniwala naman si Act Rep. Antonio Tinio na dahil sa martial law extension, mas maraming human rights violation ang posibleng maitala sa rehiyon.

Pero ayon kay kusug tausug Rep. Shernee Tan – sanayan lang ang martial law.

Facebook Comments