Tinitiyak ng ilang konsumer sa Dagupan City na tama ang timbang ng mga produktong kanilang binibili sa mga palengke tulad ng karne ng baboy, manok at isda.
Ito ay matapos na nakumpiska ng Anti-littering task force sa fish market sa lungsod ang nasa mahigit 500 na depektibong timbangan.
Ani ng ilang konsyumer dapat lamang na nakumpiska ang mga madayang timbangan lalo ngayong hirap din sila sa pagbubudget dulot ng pabago-bagong presyo ng mga pangunahing bilihin.
Sinang-ayunan rin ito ng mga vendors na matinong naglalako ng kanilang mga paninda dahil maaaring makaapekto pa sa kitaan ang pandaraya ng ilan sa kapwa nila tindero at tindera.
Iginiit naman ng Anti-littering task force na hindi nila kokonsintihin ang ganitong klase ng aktibidad sa mga palengke at araw-araw na magsasagawa ng inspeksyon. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments









