Dumadaing ang ilang konsyumer sa nananatiling mataas na presyuhan ngayon sa kada piraso ng produktong itlog na mabibili sa ilang pamilihan sa Pangasinan.
Ang kada piraso kasi ng itlog maglalaro pa rin mula 7.50 pesos hanggang 10 pesos sa pinakamalaking size.
Samantalang ang per tray naman nito ay nasa 300 pesos na ang pinakamataas.
Ayon sa ilang tindera, mataas pa rin umano ang kuha nila sa per tray ng itlog sa kanilang mga supplier kaya naman hindi nila magawang bababaan ang presyo nito kada piraso.
Sa ngayon, gumagawa na rin ng paraan ang Department of Agriculture sa presyo ng naturang produkto upang hindi biglaan ang pagtaas nito sa merkado. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments