Dumadaing ang ilang konsyumer sa patuloy na pagtaas ng presyo ng kamatis sa mga pamilihan, na ngayon ay umaabot na sa 20 pesos kada piraso.
Ayon sa mga mamimili, nararamdaman nila ang epekto ng sunod-sunod na pagtaas ng presyo ng mga bilihin, lalo na ang mga produktong dating abot-kaya at pang-masa.
Ang presyo ng kamatis sa iba’t ibang pamilihan sa bansa ay nasa 200 pesos kada kilo, dahilan upang lalong magtipid ang mga karaniwang manggagawa.
Ayon sa kanila, kung magpapatuloy ang pagtaas ng mga bilihin, mas mahihirapan ang mga ordinaryong mamamayan na pagkasyahin ang kanilang kita para sa pang-araw-araw na gastusin.
Patuloy na umaasa ang mga konsyumer na magkakaroon ng solusyon sa patuloy na pagtaas ng presyo upang mapagaan ang kanilang pinansyal na sitwasyon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨