ILANG KONSYUMER SA DAGUPAN CITY, AMINADONG HIRAP SA PAGBUBUDGET AT PAG-IIPON

Aminado ang ilang konsyumer sa Dagupan City na hirap silang mag-budget at mag-ipon ng kanilang pera ngayon.

Sa nagsisi taasang bilihin, hirap umano nilang tukuyin ang prayoridad na pangangailangan at makapag tabi ng pera dahil hirap din na pagkasyahin ang sinasahod kada buwan lalo kung may

Habang ang ilan, hindi rin umano maiwasan na maging impulsive buyer sa tuwing nakakakita ng mga ibinebentang mura kahit hindi naman nila prayoridad o kailangan.

Ayon sa Financial Inclusion Survey ng Bangko Sentral ng Pilipinas noong 2021, nasa 37% lamang o katumbas ng 28.9 milyon mula sa 77.2 milyong total na populasyon ng Pilipino ang may savings o ipon.

Isa rin salik na kanilang naitala ay dahil sa epekto ng covid-19 pandemic kung saan nag-ipon umano ang mga Pilipino para sa emergency purposes dahil sa pagsara ng mga business establishments at maging limitadong pisikal na interaksyon dahil sa quarantine.

Sa ngayon, patuloy ang pagsisikap ng ilan sa konsyumer na makapag-ipon at mai-budget ang perang kanilang kinikita kada buwan at umaasang makatutulong rin kung tuluyang mapapababa ang presyo ng mga bilihin. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments