ILANG KONSYUMER SA DAGUPAN CITY, TINITIYAK NA DEKALIDAD ANG MGA BINIBILING CHRISTMAS LIGHTS AT PALAMUTI

Tinitiyak ng ilang konsyumer sa Dagupan City ang kalidad ng kanilang mga binibiling Christmas lights at iba pang palamuti ngayong pagpasok ng holiday season.

Ayon sa kanila, mahalagang makapamili ng produktong abot-kaya ngunit matibay at ligtas gamitin sa bahay.

Mas pinipili nila ang mga pampailaw na may ICC sticker upang maiwasan ang anumang insidente, kabilang ang posibilidad ng sunog.

Nagpaalala rin ang Department of Trade and Industry na suriin ang mga pampailaw at palamuti bago bumili at tiyaking may PS mark at ICC seal bilang indikasyon na pasado ang mga ito sa pamantayan ng ahensya.

Patuloy namang nagsasagawa ng monitoring ang DTI sa mga establisimyentong nagbebenta ng mga nasabing produkto, pati na sa mga noche buena items, upang matiyak ang pagsunod sa itinakdang standards at presyo.

Facebook Comments