Wednesday, January 21, 2026

ILANG KONSYUMER SA SAN FABIAN, UMAASANG MAKAKABILI NG 20 PESOS NA KADA KILO NG BIGAS

Umaasa ang ilang konsyumer sa San Fabian na magkakaroon ng bente pesos na kada kilo ng bigas na siyang naging pangako Umano ng pangulo noong siya pa lamang ay nangangampanya.
Ani ng ilang konsumer, bagaman may pagbaba sa na sa presyo ng kada kilo ng bigas ngayon sa mga palengke ay nais pa rin nila na maranasan na makabili ng mas mura ngunit dekalidad na uri ng bigas.
Pabor naman ang ilang rice retailer kung sakali man na may maibabang suplay ng bente pesos na bigas sa kanilang pamilihan upang mas marami pang ma-i-alok sa kanilang mga suki at mamimili.
Sa ngayon, naglalaro mula 33 pesos hanggang 45 pesos ang presyo sa kada kilo ng bigas na makikita sa pamilihang bayan ng San Fabian. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments