![](https://i0.wp.com/rmn.ph/wp-content/uploads/2025/01/ILANG-KONSYUMER-UMALMA-SA-BAGONG-WATER-RATE-ADJUSTMENT.png?resize=696%2C696&ssl=1)
CAUAYAN CITY – Ilang mga konsyumer ang umalma sa inilabas na abiso ng Cauayan City Water District kaugnay sa bagong water rate adjustment sa Lungsod ng Cauayan.
Sa abisong inilabas, simula Pebrero ngayong taon ay tataas na sa P174.75 pesos ang singil ng tubig mula sa dating P150 pesos, habang magkakaroon din ng pagtaas sa buwan ng Agosto.
Ayon kay Ginoong Joseph, isang konsyumer, hindi umano siya pabor sa pagtaas ng singil sa tubig lalo na at dalawang beses pa umano magtataas ang Water District.
Para naman kay Ginoong Jonathan, isa ring konsyumer, wala naman umanong problema sa kanya kung magtataas ng singil sa tubig subalit sana naman ay paunti-unti umano ang pagtaas at hindi biglaan.
Dagdag pa nito, umaasa siyang na sa pagtaas ng singil sa tubig ay mas maiiprove pa ng water district ang kanilang pagbibigay serbisyo sa kanilang mga konsyumer lalo na ngayon at papalapit na ang summer season.