
Lumapit ang ilang kontratista at district engineers kay Senator Panfilo Lacson at nagpahayag ng kahandaang magsalita tungkol sa mga kalokohang nangyayari sa mga flood control projects.
Pero ayon kay Lacson, nag-aalangan ang mga ito at inaalala ang kanilang kaligtasan sakaling sabihin ang kanilang mga nalalaman.
Bukod dito, nais ring makasiguro ng mga ito na tuloy-tuloy ang laban hanggang sa dulo o ngayon lang dahil mainit ang usapin sa mga flood control.
Sinabi ng senador na may mga district engineers na napilitang ipatupad ang proyekto dahil sa kanila ibinagsak kahit hindi naman nila hiningi at hindi rin kasama sa National Expenditure Program.
Nanawagan si Lacson sa mga kapwa senador na magpakita ng halimbawa na magtitino ang gobyerno, at ito ay sa pamamagitan ng tapat at transparent na deliberasyon sa pambansang pondo.









