Ilang kooperatiba hirap sa pagpapatakbo ng modernong jeep- DOTr

Patuloy ang pakikipag-ugnayan ng Department of Transportation (DoTr) sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) para masolusyunan na ang problema ng kakulangan ng mga pumapasadang modernong jeep sa ilang bahagi ng bansa.

Ayon kay Usec. Andy Ortega Road and Infrastracture ng DOTr, kailangan nilang masusing pag-aralan ang sitwasyon para hindi magkulang at sumobra ang mga bumibiyaheng modernong jeep.

Nilinaw naman ni Ortega na pwede pa ring bumiyahe ang mga lumang jeep na nakapag-consolidate sa naturang mga ruta.


Aniya, sa kanilang pagtaya, aabutin pa kasi ng ilang taon bago magkaroon ng modernong jeep ang ilang driver.

Samantala, pinabulaanan naman ni Ortega ang mga balitang marami nang mga kooperatiba ng modernong jeep ang nalulugi.

Bagama’t mayroon aniyang mga kooperatibang hirap sa pagpapatakbo sa ngayon ay nagbibigay naman sila ng mga seminar para makabangon.

Sa kabuuan, sinabi ni Ortega na naging matagumpay ang isinagawang consolidation ng jeepney franchise na nagtapos noong katapusan ng Abril at handa na ang pamahalaan sa susunod na yugto ng PUV modernization program.

Pero maiging hintayin na lamang daw ang datos na ilalabas ng LTFRB kaugnay ng kabuuang bilang at kung ilang porsiyento ng mga jeepney drivers at operators ang nagpa-consolidate.

Facebook Comments