Ilang korporasyon, kinasuhan ng tax evasion

Manila, Philippines – Ipinagharap ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ng tax evasion case ang ilang korporasyon sa Department of Justice dahil sa kabiguang magbayad ng tamang buwis.

Partikular na kinasuhan ng paglabag sa Section 255 ng Tax Code ang Condi Commercial Corporation at treasurer nitong si Marlyn Young; PSTI Food Supplies, inc., maging ang corporate officers nitong sina President alfredo belen, jr. at treasurer lothar vogt; at Quicksellers Corporation at mga opisyal na sina President Richard Lee at Treasurer Danilo Dela Fuente.

Ang 3 kumpanya na kinasuhan ay pawang mga domestic corporations na matatagpuan sa QC, Cainta Rizal at Mandaluyong City.


Ayon sa BIR, ang Condi ay mayroong mahigit sa P12M tax liabilities para sa taong 2007 habang ang PSTI Food naman ay umaabot sa P11M ang tax liabilities at mahigit P127M naman ang hinahabol na buwis sa Quicksellers.

Ang kaso laban sa 3 kumpanya ang ika-28, 29 at 30 tax evasion case na isinampa ng BIR sa ilalim ng kanilang Run After Tax Evaders (RATE) program.
DZXL558

Facebook Comments