Ilang korte sa Maynila, pansamantalang isinara dahil sa pagpositibo sa COVID-19 ng ilang court personnel

Pansamantalang sarado ang ilang mga korte sa Maynila at ilan pang lugar sa bansa makaraang makapagtala ng positibong kaso ng COVID-19.

Sa abisong ipinarating sa Korte Suprema, kabilang sa mga korte na “physically closed” ay ang Manila Regional Trial Court branch 54, mula noong September 3-11, 2020.

Kasunod ito ng pagpositibo sa COVID-19 swab test ng isang staff ng korte.


Naka-self quarantine din ang lahat ng mga personnel ng Manila RTC branch 54 sa panahon ng lockdown.

Patuloy rin ang contact tracing, habang ang mga hearing o pagdinig ay ginagawa sa pamamagitan ng video conferencing.

Una na ring pansamantalang isinara ang Manila RTC branch 36, mula noong September hanggang bukas, September 9, 2020.

Ito ay matapos na isa ring court personnel ang nagpositibo sa COVID-19 kaya nagsagawa ng disinfection.

Kabilang din sa mga naka-lockdown na korte ay ang:

– Makati City RTC branch 133 (Sept. 7 hanggang 11)
– Padre Burgos-Agdangan, Quezon 3rd MCTC (Sept. 7 hanggang 10)
– MTCC Naga City (Sept. 8)
– San Fernando, Pampanga RTC branch 45 (Sept. 1 hanggang 14)

Facebook Comments