Maaga pa lamang kahapon, lumarga na ang ilang mga tauhan at tagasuporta ng iba’t ibang kandidato upang alisin ang mga campaign posters na NASA mga posted at pader na idinikit noong kasagsagan ng kampanya.
Umabot ng truck truck ang mga inalis na campaign poster na ayon sa ilang mga nanalong kandidato ay kanila itong irerecycle.
Ayon sa Commission on Elections (COMELEC), may limang araw na palugit ang mga kandidato upang alisin ang lahat ng materyales sa pangangampanya gaya ng posters, tarpaulin, at streamers sa mga pampublikong lugar.
Mahigpit na ipinatutupad ng COMELEC ang kautusang ito at nagbabala na maaaring patawan ng multa o kaso ang mga kandidatong hindi susunod sa itinakdang deadline.
Patuloy ang panawagan ng ahensya na baklasin ang mga campaign posters upang mapanatili ang maayos at Makakalikasan na komunidad. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣









