Ilang kumpanya ng langis, magpapatupad ng dagdag-bawas sa presyo ng produktong petrolyo simula bukas

Magpapatupad muli ng dagdag-bawas sa presyo ng mga produktong petrolyo ang ilang kumpanya ng langis simula bukas, araw ng Martes.

Sa abiso ng Shell, Caltex at Petro Gazz, nasa ₱0.75 kada litro ang kanilang itataas sa kada litro ng gasolina, habang ₱0.60 naman ang ibababa sa kada litro ng kerosene at ₱0.10 sa kada litro ng diesel.

Samantala, inaasahang susunod na rin ang ilan pang kumpanya ng langis na mag-anunsyo ng kanilang sariling bawas presyo.


Facebook Comments