Ilang kumpanya ng langis, magpapatupad ng dagdag-presyo

Magpapatupad ng dagdag presyo sa produkto petrolyo ang ilang kumpaniya ng langis ngayong araw.

Ipapatupad ng Petro Gazz, Jetti Petroleum, PTT Philippines, Eastern Petroleum, Phoenix Petroleum, Caltex, Shell, Total, Petron, SeaOil, at UniOil ang P0.70 dagdag sa kada litro ng diesel at P0.80 dagdag sa kada litro ng gasolina.

Magtataas din ang Shell, Caltex, Petron at SeaOil ng P0.40 sa kada litro ng kanilang kerosene.


Hatinggabi kanina naging epektibo ang mga bagong presyo ng Caltex habang alas-6 ngayong umaga ito ipapatupad ng ibang kumpaniya ng langis.

Ang nasabing oil price hike ay bunsod ng paggalaw ng presyuhan ng langis sa pandaigdigang merkado at hindi epekto ng dagdag na excise tax sa petrolyo.

Facebook Comments