Muli na naman nagdagdag ng singil ang ilang mga kumpanya ng petrolyo kung saan 55 sentimo ang dagdag sa kada litro ng disel at gasolina ng mga Kumpanyang Caltex, Petro gazz, Petron, Phoenix petroleum, Seaoil, Shell at Cleanfuel.
Habang may 70 sentimong taas presyo naman sa kada litro ng kerosene ang Caltex, Seaoil at Shell.
Una ng nagpatupad ng paggalaw ng produktong Peteolyo ang Caltex kaninang hatinggabi, habang kaninang 6am ang ibang kumpanya at mamayang alas 4:01 ng hapon naman ang Cleanfuel.
Samantala nag anunsyo na ang ilang kumpanya ng langis partikular na ang Caltex, Petron, Phoenix Petroleum at Sheell na hindi sila magpapatupad ng taas presyo sa mga lugar na sinalanta ng Bagyong Odette, kasama rito ang Palawan, Cebu, Bohol, Aklan, Capiz, Iloilo, Negros Occidental, Negros Oriental, Bacolod, Samar, Leyte, Agusan Del Norte, Butuan, Cabadbaran, Agusan Del Sur, Surigao Del Norte, Surigao Del Sur, General Santos City at Koronadal.