
Napuna ni Senator Sherwin Gatchalian ang ilang kwestyunableng items sa ilalim ng Department of Public Works and Highways o DPWH para sa 2026 national budget.
Tulad sa mga isiniwalat ni Senator Panfilo Lacson, nakitaan din ni Gatchalian ang DPWH ng mga magkakaibang proyekto sa iba’t ibang lugar na pare-pareho ang ipinalalaan na pondo.
Nakahanay aniya ang mga ito sa Annex 1C ng panukalang DPWH budget na nakapaloob sa National Expenditure Program (NEP).
Sinabi ni Gatchalian na sinimulan na itong imbestigahan ng Senate Committee on Finance na siyang mangunguna sa paghimay ng pambansang pondo para sa susunod na taon.
Nagpatulong na rin ang senador sa mga independent project engineers at construction management group para suriin ang nasa 9,000 infrastructure projects sa panukalang budget kung saan 4,000 rito ay para sa flood control.









