Ilang labor at human rights group, kinondena ang pagbasura ng DOJ sa murder case ng 17 pulis sa Bloody Sunday raid sa Cavite

Sinalubong ng kilos-protesta ang pagdating ni Justice Sec. Jesus Crispin Remulla sa tanggapan ng Department of Justice (DOJ) ngayong hapon.

Kinondena ng mga labor and rights groups ang pagbasura ng DOJ panel of prosecutors sa murder case ng 17 pulis na sangkot sa pagpatay sa labor leader na si Manny Asuncion.

Si Asuncion ay isa sa siyam na aktibistang napatay sa Bloody Sunday raid noong March 6, 2021 sa CALABARZON.


Ayon sa mga pulis, nanlaban ang mga ito nang arestuhin.

Pero ayon kay Charm Maranan, tagapagsalita ng Defend Southern Tagalog, batay sa mga pamilya ng biktima at witness ay walang anumang armas at hindi nanlaban si Asuncion.

Kinaladkad ito ng mga umano’y nakamaskarang pulis palabas ng bahay at saka nakarinig ng putok ng baril ang asawa ni Manny na si Leizel Asuncion.

Facebook Comments