Ikinagalak ng ilang mga labor group ang paglagda ni Vice President Leni Robredo sa isang kasunduan sa mga manggagawa na layon na i-promote ang Labor Agenda kasama ang Alliance of Labor Leaders for Leni Robredo o ALL4Leni.
Layon ng kasunduan na magkaroon ang mga manggagawa ng seguridad at kalidad na trabaho, sapat na sahod, social protection sa pamamagitan ng public services, maiangat ang trade union at karapatang politika at konsultasyon sa mga manggagawa bago magdesisyon.
Paliwanag ni Atty. Sonny Matula na hindi bago sa kanila ang pinirmahan ni VP Leni dahil base sa track record nito ay marami na siyang nagawa para sa mga manggagawa, magsasaka, kababaihan, maralitang taga-lungsod at sa iba pang sektor na nasa laylayan ng ating lipunan.
Ikinatuwa naman ni Atty. Matula na napipisil siya ni VP Leni na mapabilang sa kanyang senatorial slate dahil naniniwala siyang ipagtatanggol nito ang karapatan ng mga ordinaryong manggagawa sa bansa.
Ang nasabing paglagda na isinagawa sa tanggapian ni VP Leni ay sinaksihan ng 15 trade union leaders, 400 labor leader, Filipino American Human Rights Alliance (FAHRA), iba’t ibang chapters ng ALL4Leni; at ng Leni Urban Poor.