Ilang labor group, mariing kinondena ang tangkang pangho-hostage kay dating Senador De Lima

Photo Courtesy: Nagkaisa.org

Mariing kinondena ng grupong Nagkaisa Labor Coalition ang tangkang pangho-hostage kahapon kay dating Senator Leila de Lima at pagsaksak kay Police Corporal Roger Agustin na maghahatid lang sana ng pagkain nang mangyari ang naturang insidente.

 

Ayon kay Nagkaisa Labor Coalition Atty. Sonny Matula, nagpapasalamat sila na hindi nasaktan si De Lima sa tangkang pangho-hostage ng isa sa tatlong ditene na nagtangkang tumakas sa Camp Crame Custodial Center of the PNP.

 

Si De Lima ay mahigit lima at kalahating taon ng nakakulong kung saan pinapanawagan nila na dapat nang palayain.


 

Paliwanag ni Atty. Matula, ang ilang mga kasama ang ilang parliamentarians sa buong mundo ay nananawagan din na palayain na ang dating Senator De Lima mula sa PNP custodial center.

 

Binigyang diin pa ni Matula na ang pagbawi ng tatlong testigo sa kanilang testimonya sa labas o sa loob ng Korte sa malapit o katapusan ng bahagi ng Duterte administration ay maliwanag na babala na mayroong mali kung saan ito umano ay red flag na may pagdududa sa lakas ng paghahanap ng probable cause laban kay dating  Sen. De Lima.

Facebook Comments