Ilang labor group, nag-endorso ng draft Bangsamoro Labor Code

Inihayag ng grupong Nagkaisa Labor Coalition na pabor silang iendorso ang draft ng Bangsamoro Labor at Employment Code para sa lehislasyon ng ang Bangsamoro Parliament.

Ayon kay Nagkaisa Labor Coalition President Atty. Sonny Matula na mahigit daan-daang mga kalahok mula sa labor groups sa rehiyon ang nakiisa sa Bangsamoro Labor Summit na inorganisa ng Office of the Member ng Parliament Romeo Sema.

Paliwanag ni Atty. Matula na ang mga kasapi ng pinakamalaking Labor Coalition ay lumahok sa naturang aktibidad na kinabibilangan ng Federation of Free Workers (FFW), Sentro ng Nagkakaisa at Progressibong Manggagawa o SENTRO, Public Service Labor Independent Confederation at Associated Labor Union ALU-TUCP ay kabilang sa mga nakiisa kung saan lahat sila ay nag-endorso sa pag-adopt ng Bangsamoro Labor Code at iba pang social legislation ng Bangsamoro Transition Authority.


Pinapurihan naman ni Atty. Matula si MP Sema, Chairman ng Committee on Labor and Employment, na nangako na tatrabahuhin ang pagsasamahin ang iba’t ibang amendments na ipinasa ng mga labor groups sa isinagawang conference.

Binigyang diin pa ni Matula na ang kalayaan ng mag-oorganisa sa lahat ng mga manggagawa ay protektado at ang probisyon sa security of tenure ay mas lalong pinoprotektahan ng Bangsamoro Labor Code kaysa Philippine Labor Code.

Sa kaniyang mensahe sa pamamagitan ng video nanawagan si Bangsamoro Chief Minister Ahod Ebrahim sa agarang pagpasa sa naturang panukalang batas upang gumanda ang buhay ng mga manggagawa kung saan kabilang ang Bangsamoro Magna Carta for Workers in the Informal Economy; Bangsamoro Tripartism and Social Dialogue; ang Bangsamoro Public Service Eligibility Equivalency Act; at ang Bangsamoro Labor Justice Administration Act.

Facebook Comments