Pabor ang grupong Federation of Free Workers at ang Nagkaisa Labor Coalition sa naging hakbang ng Korte Suprema sa pagkondena sa mga pagpaslang at mga banta laban sa mga abogado at huwes sa bansa.
Paliwanag ni Nagkaisa Labor Coalition Chairperson Atty. Sonny Matula, hindi lamang mga abogado at husgado ang mga pinapaslang kundi mga trade union.
Tinatayang mula 6,000 hanggang sa 20,000 biktima ng indiscriminate killings sa drug war sa ilalim ng Duterte administration, kung saan ang naturang karahasan ay hindi katanggap-tanggap ng sibilisadong komunidad.
Hinikayat din ng ng nasabing ang Department of Justice na ipagpatuloy ang imbestigasyon sa ‘Bloody Sunday’ killings noong March 7 at iba pang trade union, aktibista at abogado
Giit pa ni Matula sa Duterte Administration na tanggapin na ng gobyerno ang 2019 International Labor Conference na nag-aatas sa high level mission na magsagawa ng imbestigasyon sa mahigit 50 trade union leaders at organizers sa mga nakalipas na limang taon.