Ilang labor group, pabor sa pagbubukas ng preliminary investigation ng ICC sa mga nangyayaring EJK sa bansa

Naniniwala ang grupong Nagkaisa Labor Coalition na mayroong batayan upang magsagawa ng preliminary investigation ang International Criminal Court o ICC sa mga nangyayaring Extrajudicial Killings (EJK) sa administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Nagkaisa Labor Coalition Chairperson Atty. Sonny Matula, may batayan ang ICC sa kanilang hakbang na dapat ay matagal nang sinimulan.

Paliwanag pa nito, ang kampanya ng gobyerno laban sa iligal na droga kung saan mayroong mga namamatay ay dapat na maiimbestigahan ng independent court lalo na ang ICC.


Ang mga nangyayaring mga pagpatay, torture at iba pang mga karumal-dumal na gawain ay malinaw na paglabag sa karapatang pantao.

Giit pa ni Atty. Matula, ang administrasyon ni Pangulong Duterte ay dapat maging transparent at makipag-cooperate sa ICC para mapaganda ang pagpapatupad ng batas at ng karapatang pantao sa bansa.

Facebook Comments