Ilang labor group sa Cebu, magkakasa ng Black Saturday protest kaugnay sa pagkakasawi ng isang factory worker sa Mandaue

Magkakasa mamayang hapon ang ilang labor sa group sa Cebu ng kilos-protesta upang kondenahin ang di umano pagkakasawi ni Stephen Corilla na isang factory worker sa Mandaue City.

Mababatid na aksidenteng nasawi si Corilla habang naka-duty matapos mahulog sa isang pulverizer machine habang naglilinis.

Tinawag ito bilang Black Saturday protest upang manawagan ng hustisya sa nasawing empleyado.


Lalahukan ito ng ilang grupo tulad ng Kilusang Mayo Uno, Institute for Occupational Health and Safety Development, ALSA Kontraktwal – Cebu, Center for Trade Union and Human Rights, Tambisan sa Sining, Metal Workers Alliance of the Philippines at Ecumenical Institute for Labor Education and Research Inc.

Maliban sa hustisya para kay Stephen ay nais din nilang panagutin ang kumpanya dahil sa paglabag sa Occupational Safety and Health Standards at pagsulong sa ligtas na work places.

Facebook Comments