Sinupalpal ng mga Private and Public Sector Unions at Labor Organization ang ginagawang red-tagging ng gobyerno sa pamamagitan ng Department of the Interior and Local Governments (DILG), kung saan inilalagay ang lehitimong Public Sector Unions bilang Communist Terrorist Group (CTG).
Ayon kay Nagkaisa Labor Coalition Chairperson Atty. Sonny Matula, nagpalabas ng kautusan ang DILG noong March 10, 2021, sa kanilang mga regional director maging sa kanilang regional secretary ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) na ilagay sa listahan ang mga empleyado ng gobyerno na napatunayan na miyembro ng Alliance of Concerned Teachers (ACT) at Confederation for Unity, Recognition, and Advancement of Government Employees (COURAGE).
Paliwanag ni Atty. Matula, bagamat ang ACT at COURAGE ay hindi affiliated ng malawak na coalition, ang trabaho ng Nagkaisa Labor Coalition ay ipagtanggol ang integridad ar kalayaan ng Trade Union, lalo na ang buhat at seguridad ng kanilang mga kasapi.
Dagdag pa ni Atty. Matula na ang karapatan ng mga manggagawa na magtatag ng organisasyon ipinagkaloob ng karapatan ng bawat tao bilang social being.