Ilang labor group, tinutulan ang gawing installment ang pagbibigay ng 13th month pay sa mga manggagawa

Naniniwala ang pamunuan Nagkaisa Labor Coalition na wala silang nakikitang dahilan para hindi ibigay o gawing installment ang 13th month pay sa mga manggagawa ngayong taon dahil nanindigan ang gobyerno na suportahan ang mga maliliit na negosyante dulot ng nararanasang pandemya.

Ayon kay Nagkaisa Labor Coalition Chairman Atty. Sonny Matula, maaari naman umanong ibigay ang installment basta’t bayaran ng buo bago December 24, maliban diyan mababalewala ang spirit ng 13th month pay law.

Dagdag pa ni Atty. Matula na sinusuportahan umano ng Department of Trade and Industry (DTI) secretary ang mga maliliit na negosyante na mag ibigay ng walang interes loan sa mga kumpanyang nangangailangan ng pondo para sa 13th month pay.


Una rito ang grupo ng Nagkaisa Labor Coalition ay umaapila kay Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Silvestre Bello III para sa gobyerno na magbigay ng subsidiya ng 13th month sa ilang 1.5 million hanggang 5 million workers sa mga small and micro enterprises (SMEs).

Lubha umanong nahihirapan lalung lalo na ang mga manggagawang babae sa micro and small enterprises, kung saan matinding tinamaan ng pandemya kaya ang pinaka mainam umano na matiyak na walang interes load o subsidiya para sa SMEs sa pagbibigay ng 13th month pay sa mga manggagawa.

Facebook Comments