Ilang labor groups, umapela sa gobyerno na mahigpit na ipatupad ang kaligatasan at seguridad sa lugar ng pagtatrabahuhan ng mga manggagawa

Hiniling ng grupong Nagkaisa Labor Coalition sa pamahalaan na tiyaking ligtas sa kalusugan at seguridad ang mga manggagawa na magtatrabaho ngayon COVID-19 pandemic.

Ayon kay Nagkaisa Labor Coalition Chairperson Atty. Sonny Matula, karamihan umano ng mga kumpanya ay pinatatakbo lamang ng mga maliliit na negosyante na dapat suportahan ng gobyerno.

Paliwanag pa ni Atty. Matula, ang Public Employment Program ay epektibong programa upang matugunan ang programa sa mga walang hanapbuhay at kahirapan, gaya ng mga kaso sa bansang India at South Africa.


Dagdag pa ni Atty. Matula, ang karanasan ng naturang mga bansa ay maaari umanong matutuhan ng mga Pilipinong manggagawa sa pamamagitan ng sarili nating pagpatutupad ng Temporary Employment Program simula pa noong taong 1960 na ipinatupad kung saan ang kultura ng bayanihan sa trabaho ay desenyo upang matugunan ang ganitong pangangailangan.

Facebook Comments