Ilang lalawigan sa bansa, hiniling sa IATF na mapasamang muli sa ECQ

Ikinagulat ni Presidential Spokesperson Atty. Harry Roque na maraming Local Government Officials ang humihiling sa Inter-Agency Task for the Management of Emerging Infectious Diseases Force (IATF-EID) na palawigin pa ang Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa kanilang mga lugar.

Ito ay sa kabila ng pagkakasama ng kanilang lalawigan sa General Community Quarantine (GCQ) simula ngayong araw, May 1 kung saan sa ilalim ng GCQ ay balik trabaho ng muli sa maraming sektor at mayroon naring partial mobility.

Ayon kay Roque kabilang sa mga humirit na muling masailalim ang kanilang lalawigan sa ECQ ay ang Legazpi city, Cagayan at Zamboanga City.


Una naring umapela ang lokal na pamahalaan ng Bacolod City na isama silang muli sa ECQ at agad naman itong napagbigyan ng IATF.

Sa ngayon may nagpapatuloy na pulong ang IATF at posibleng magpalabas muli sila ng karagdagang guidelines sa mga susunod na araw.

Facebook Comments