Ilang LGU bigong magsumite sa DILG ng vaccination reports

Tinatayang nasa 30% ng Local Government Units (LGUs) ang hindi nakapag-susumite ng required vaccination operation reports sa Department of the Interior and Local Government (DILG).

Sa talk to the people ni Pangulong Rodrigo Duterte iniulat ni DILG Secretary Eduardo Año na mayroong 10 million gap of entries sa government COVID-19 vaccination record dahil sa kabiguan ng ilang LGUs na makatugon sa 6:00 A.M. deadline.

Aniya, obligasyon ng bawat LGUs na magsumite ng kanilang vaccination operations report araw-araw upang malaman kung gaano na kadami ang mga nababakunahan sa bansa.


Kasunod nito, pinayuhan ni Año ang mga LGUs na magkaroon ng senior database officer na syang titiyak na nakaka-comply ang bawat LGU sa hinihinging datos ng national government.

Ang naturang mga datos ay naka -store sa database na gagamitin para sa individual level records, vaccination certification at basis for validation and audit.

Facebook Comments