Ilang LGU na apektado ng pag-aalburuto ng Bulkang Taal, nauubusan na ng calamity funds – DILG

Nauubusan na ng calamity funds ang mga lokal na pamahalaan na apektado ng pagputok ng Bulkang Taal.

Ayon kay DILG Undersecretary Epimaco Densing – humihiling na sila ng dagdag na pondo mula sa Kongreso para mapunan ang disaster relief efforts ng mga LGU.

Maliban dito, humihiling din sila ng pondo mula sa Office of the President.


Sa ngayon aniya, hindi pa nakakapagkolekta ang LGU ng business taxes at amelyar na makakatulong para madagdagan ang calamity fund.

Sinabi ni Densing – nagpatawag na si House Speaker Alan Peter Cayetano na magkaroon ng pulong kasama ang DILG para pag-usapan ang budget proposal.

Tiniyak naman ng Department of Budget and Management (DBM) Secretary Wendel Avisado na may sapat na pondo ang gobyerno para sa disaster response at relief efforts.

Facebook Comments