Ilang LGUs, nanawagan ng mabilis na pamamahagi ng bagong COVID vaccine

Umapela ang ilang lokal na pamahalaan na bilisan ang pamamahagi ng mga bagong dating na COVID-19 vaccine kasunod ng pagkakaantala ng vaccination rollout sa mga residente.

Ayon sa Manila Health Department, isang linggo na silang walang natatanggap na bagong suplay mula sa national government.

Sinabi naman ni Marikina City Mayor Marcelino Teodoro na paubos na rin ang COVID-19 vaccine supply ng lungsod.


Una nang sinabi ni Department of Health (DOH) Undersecretary Myrna Cabotaje na makatatanggap ng tig-humigit kumulang 100,000 doses ang Metro Manila, Central Luzon, at Calabarzon.

Ang natitirang 200,000 doses ay hahatiin sa iba pang rehiyon na mataas ang kaso ng COVID-19.

Facebook Comments