Nadagdagan ang mga lokal na pamahalaan na naglaan ng pondo para sa pagbili ng bakuna kontra COVID-19.
Ito ay bilang tulong ng mga Local Government Units (LGUs) sa patuloy na paglaban sa pamahalaan sa COVID-19 pandemic.
Kabilang sa mga lungsod na naglaan ng pondo ay:
• Pasig City – P300 milyon
• Valenzuela City- P150 milyon
• Makati City –1 billion
• Navotas City – P20 million
• Puerto Prinsesa, Palawan – P227 million
• City of Manila – P250 million
Nagsimula na rin ang Lungsod ng Maynila ng pre-registration sa kanilang mga residenteng nais mabakunahan.
Kasunod nito, hinikayat ng Department of Health (DOH) ang mga LGU na makipag-ugnayan sa kanilang ahensya para sa mas maayos na pagbili ng bakuna at pantay na pamamahagi nito sa kanilang mga residente.